Friday, July 1, 2016

JANINE GUTIERREZ & ALJUR ABRENICA - Sensual yet Innocent Chemistry



Janine and Aljur have the most sensual yet innocent chemistry now on TV. Hindi pilit ang love team nila. Hindi planado pero nagka swak dahil hinog sa tamang panahon. Lalakeng lalake at Pinoy na Pinoy ang dating ni Aljur at si Janine naman ay maganda at sexy pero maamo ang mukha. At pareho silang nag improve sa acting. Panoorin sila sa kanilang REINCARNATION story TELENOVELA sa GMA 7 - ONCE AGAIN.
Ito ang love team na nagpakilig sa'kin ulit tulad ng KRISTINE HERMOSA - JERICHO ROSALES days.
To live is to love and to love is to live a new day.
Watch ONCE AGAIN on GMA 7 Primetime.
Starring: Janine Gutierrez and Aljur Abrenica

Janine Gutierrez and Aljur Abrenica - COULD I HAVE THIS KISS FOREVER


Janine Gutierrez and Aljur Abrenica definitely have the aura of Kristine Hermosa and Jericho Rosales. But they also have the star power for their love team like TELENOVELA SUPERSTARS THALIA and FERNANDO CARRILLO of ROSALINDA. Hindi na nakakapagtaka kung bakit marami ang napapatutok sa kanilang primetime telenovela na ONCE AGAIN sa GMA 7. Nakaka hook ang kanilang chemistry na mixed of INNOCENCE and SENSUALITY.

Thursday, June 30, 2016

JANINE GUTIERREZ at ALJUR ABRENICA Perfect Chemistry



Kapansin pansin ngayon ang umiinit na tambalan ng Kapuso stars na sina Janine Gutierrez at Aljur Abrenica sa kanilang primetime teledrama na ONCE AGAIN. Bukod sa magandang kuwento nito, mahuhusay na mga beteranong artista at mula sa direksiyon ni Don Michael Perez, ang natural at kapanipaniwala na chemistry nina Janine at Aljur ang nagdadala ng appeal nito sa mga viewers, di lang sa Pilipinas kundi sa mga Pilipino abroad.

Subalit may lumalabas na mga balita na sinisiraan ngayon si Aljur ng mga cheap na tabloids at cheap na radio programs. Maraming mga fans ng kanilang LT ang nasasaktan dahil tila ayaw nilang bigyan ng pagkakataon na tuluyang makapag take off ang kanilang tambalan sa TV at sa pelikula.



Ang magandang balita ay dahil sa dami ng mga kalamidad at mga  masasamang pangyayari sa iba't ibang panig ng  mundo, sa totoo lang, ang majority ng mga Pilipino ay wala nang pakialam sa mga paninira ng OLD MEDIA. Para silang mga bampira na malapit nang magunaw dahil hindi na sila makakahabol pa sa pag upgrade ng NEW MEDIA na dala ni Maine Mendoza. Sabi nga ni Jessica Soho, binasag na ni Maine Mendoza ang lumang sistema ng showbiz. Kaya ang mga OLD MEDIA ay wala nang saysay at mas nais pa ng maraming mga fans ang makuha mismo ang balita mula kina Janine at Aljur. Lilipas din ang mga paninira ng mga baliw na reporters, tabloid writers at radio commentators na honest to goodness, alam na ng taong bayan na mga bayaran.

Hindi nila mapipigilan ang pagsibol ng kanilang tambalan dahil hindi pilit ang kanilang love team at hindi sinasadya ang pag pair sa kanilang dalawa. Napapansin ng masa ang kakaibang karisma ng dalawa kapag magka eksena ito sa ONCE AGAIN. Ayon pa sa ibang netizens: alam naman nila na REEL lang sina Janine at Aljur subalit para silang mag jowa. Ito ay dahil sa Pinoy na Pinoy na features at lalakeng lalake na aura ni Aljur at sa Mestiza at submissive aura ni Janine. 

Kahit ano pa ang paninirang gawin nila sa dalawa o kahit hindi man sila paborito ng kanilang management, mapipilitan pa rin silang bigyan ng maraming projects dahil nabibighani nang unti-unti ang mga manunood sa kanila. At ignorante na rin ang mga PR-Managers ngayon sa loob ng giant networks dahil ang hindi nila alam, umay na ang taong bayan sa fake na dating at packaging ng mga artista sa TV. Kaya nga patok na patok ang AlDub dahil internet superstar si Maine Mendoza at binuhay nito ang papawalang career ni Alden Richards sa mainstream. 



Sa interview nga ni Boy Abunda, sabi niya na dapat magpakasal ang internet TV at mainstream TV para mag survive. 

Bottom line is, kahit tumambling pa ang mga PR-Managers sa loob ng giant networks o anupamang management, kung ayaw ng tao sa artist na pinagpipilitan nila, walang mangyayari. Tapos na ang maliligayang araw ng OLD MEDIA na naloloko nila ang taong bayan sa kanilang ginagawang pagpapabango sa kanilang bini build up na artist sa pamamagitan ng mga exaggerated na balita sa tabloids, radio programs, magazines at interviews sa Showbiz Talk Shows.

Ang tambalang Janine Gutierrez at Aljur Abrenica ay isang GOLDMINE na hindi pa lubusan na nari realize ng GMA Kapuso Network. Kung bibigyan nila ang dalawa ng mga proyekto na tulad ng kina Kristine Hermosa at Jericho Rosales noon, bubulusok pataas ng todo todo ang kasikatan ng dalawa at init ng hatak nito sa masa.

Sa kasalukuyan, may campaign ngayon online dahil nais ng mga tagahanga nina Janine at Aljur na muling pagsamahin ang dalawa sa isa na namang romantic teledrama at pelikula.

Dagdag pa nga ng mga netizens, puwedeng puwede rin silang magkasama sa isang action indie film na mala Mr. and Mrs. Smith.

Tuesday, January 19, 2016

AlDub Law of Attraction (Tagalog version) by Julius Roden



NOTE: Dahil sa mga nag request na gawan ko ng Tagalog version ang aking article tungkol sa AlDub Law of Attraction, sige... gagawin ko para sa inyo at yung simpleng Tagalog lang din gagamitin ko para maintindihan ng iba.


Ang mga hinihiling natin na mangyari sa ating buhay ay ibibigay sa atin kung taimtim natin itong pinagdarasal at kung karapat dapat ito para sa'tin. Hindi ito salita na lumalabas sa ating mga bibig kundi yung magkatugmang sigaw at ninanais ng puso at isipan.  At alam ito ng Maykapal kaya sa tamang panahon, ibibigay niya ito at walang sinuman ang makakapigil sa Kanya.

Kaya nga dahil sa matagal na panahon na pang-aalipin sa atin ng mga makapangyarihan at mayayamang tao sa buong mundo, gamit nila ang telebisyon upang kontronlin ang ating mga kilos at paniniwala, marami sa atin ang ginagaya ang napapanood sa TV, mga nakikitang imahe sa mga magazines, newspapers at mga naririnig sa radyo. Naging sunud sunuran tayo sa kung anu-ano nalang na uri ng programa ang ihain nila sa ating paningin, at ang masamang epekto nito ay ginagaya ng tunay na buhay ang napapanood sa TV. Sabi nga "Life imitates art. Art imitates life." Nagdudulot ito ng matinding takot sa ating puso't isipan.

Subalit ang isang daga, kapag sobra na ang takot, magagalit rin at lalaban. Ganun ang nangyari sa napakaraming Pilipino sa buong mundo (kasama ninyo ako siyempre). Dahil sa dami ng mga suliranin sa buhay, mga hinagpis, pasakit, lungkot, pag-aalala, kawalan ng pag-asa at takot na lalo lamang pinabibigat ng mga paulit ulit at walang kakuwenta kuwentang mga drama sa telebisyon, sa ayaw man natin o sa gusto, kusang sisigaw ang puso't isipan at hihiling ng isang bagay na kakaiba at magbibigay sa atin ng saya. Dahil ang nature ng tao ay ang maging maligaya at magmahal, kapag ginagapos mo ito, kahit pigilan mo ang kanyang katawan, hinding hindi kailanman mapipigilan ang puso't isipan. Kaya nagsanib puwersa ang magkatugmang ninanais at sigaw ng puso't isipan ng napakaraming Pilipino sa buong mundo. At tumugma ito sa pattern of thoughts ng AlDub... tumugma sa taintim na dasal nina Alden at Maine. Kaya ang AlDub at AlDub Nation ay nagkatagputagpo at nabuo.

Ang AlDub ay isang loveteam. Siyempre Tagalog ito, Pilipino ka na nagbabasa kaya alam mo kung ano ang loveteam, tama? Sa mga hindi nakakaalam, ang ibig sabihin ng AlDub ay Alden + Yaya Dub. Kinuha ang Al at dinagdag ang Dub kaya AlDub. Mga tauhan ito na kathang isip para sa isang segment sa Eat Bulaga na kung tawagin ay Kalyeserye. Si Alden na medyo pilyo pero maginoo at guwapo na manliligaw ni Yaya Dub ay ginagampanan ng dramatic actor na si Alden Richards at si Yaya Dub naman na isang katulong at yaya na nagpapapangit ng mukha, hindi nakakapagsalita at nagda dubsmash lang, pero kita naman sa TV na maganda ang mukha niya, pabebe pa, ay ginagampanan naman ng Philippine Dubsmash Queen turned actress na si Maine Mendoza.




Nagsimula ang AlDub noong July 16th 2015 dahil kinilig si Maine kay Alden n'ong makita niya ang binata sa split screen na pinapanood siya. Pilit niyang itinago ang kanyang pagkakilig pero nahalata ni Allan K. (Alam ko na alam na ito ng AlDub Nation pero para ito sa hindi pa alam kung ano ang AlDub). Kaya yun, kinilig na ang lahat kasi may kakaibang chemistry na nakita natin kina Alden at Maine at habang tumatagal, napapansin ng audience na ang chemistry ng dalawa ay magkahalong "innocence and sensuality" at dahil hindi sila nagkikita ng personal at nagkukulitan lamang sa split screen, lalong natakam ang mga manonood na dapat magkita sila dahil bagay na bagay sila. Ako noong una, sabi ko, bagay nga sila pero di ko gaanong pinapansin kasi busy ako sa trabaho at kinukulit lang ako ng nanay ko na panoorin ko dahil nakakatuwa daw. Hinayaan ko lang siya kasi ang mahalaga sa'kin ay nakikita ko na laging tumatawa ang nanay ko. Sapat na yun. Kaso isang araw, may pinakita sa akin ang aking ina, isang liham para daw kay Richard Faulkerson, Jr. Noong una, ayaw ko'ng basahin pero pinilit ako ng nanay ko. Pinagbigyan ko at meron akong natuklasan tungkol sa AlDub.

Ang mga Twitter Trendsetters, AlDub Fans Club, mga baliw at loko lokong stalkers ng AlDub, mga sira ulo na tabloid writers na sinisiraan ang AlDub, mga pinuno ng mga kawang gawa at ang international media na walang kaalam alam kung ano talaga ang nangyayari, lahat ng mga grupo na ito ay nagsilbing instrumento para maging isang global phenomenon ang AlDub, at hindi lamang isang mainit na usapin sa internet na pagkatapos ng isang taon ay makakalimutan nalang basta basta. Hindi ganun ang AlDub. Iba ang AlDub.

Ang pinagkaiba ng AlDub ay hindi ito mapagkunwari tulad ng mundo ng showbiz. Tuluyan nitong winasak ang bulok, marumi at mapanlinlang na nakakasawang sistema ng mga maaarteng celebrities; kasama na rin sa ginawa ng AlDub ay ang lipulin, puksain at burahin sa balat ng Philippine Entertainment ang mga walang kakuwenta kuwentang paninda ng mga giant TV networks na mga loveteams na saksakan ng mga O.A. at mapanlinlang sa mga tao. Kaya nga lahat ng edad ay attracted sa AlDub. At hindi lang 'yan ang dahilan. Mayroong lihim sa likod ng AlDub na akala ng marami ay isang accidental loveteam. 

Lahat ng mga pangyayari sa buhay natin ay hindi isang aksidente kundi nakasulat ito sa ating tadhana. May dahilan ang mga pangyayari sa bawa't isa sa atin.



Ang AlDub ay isang napakalaking kaganapan sa buhay natin ngayong siglo na ito. Mapalad ang mga nakakaunawa at nakasaksi sa muling pagtatagpo ng AlDub. At kung hindi isang palaisipan sa puso't isipan mo kung bakit nangyari ito, hindi ka na rin dapat magtaka kung bakit maraming mga tao ang bumalik sa ayos ang blood circulation at gumaling ang mga body cells at nag release ng endorphins. Kasi kung hindi mo nauunawaan kung ano talaga ang AlDub, kinakailangan mo'ng tumalon papasok sa "rabbit hole" para ikaw mismo ang manaliksik, tumuklas at makasaksi sa "Intergalatic Love Story" ng dalawang kaluluwa na nilikha ng Maykapal sa langit at pinadala sa atin dito sa lupa.

Ang AlDub ay isang pelikula na tumatakbo sa totoong buhay natin dito sa mundo, real time movie kumbaga na ibig sabihin, hindi sila artista lamang na malalaos dahil hindi magtatapos ang kuwento ng kanilang pag-ibig pagkatapos ng dalawang oras o mamaya o bukas o sa susunod na taon. Dahil susubaybayan natin ang AlDub hanggang sa kung anuman ang tahakin nila sa buhay at sa kanilang pagtanda. Ang aking kapasidad lamang bilang isang manunulat ay ang maipakilala sa inyo ang AlDub pero dahil isa itong multi-dimensional format na pelikula ng totoong buhay, meaning hindi ito isang pelikula sa flat screen o isang nobela na babasahin kundi isa itong kuwento na nangyayari sa kasalukuyan at DAMAY TAYONG LAHAT sa kuwento nina Richard Faulkerson, Jr. at Nicomaine Dei Mendoza. Dahil upang makapasok ka sa multi-dimensional na pelikula na ito, kailangan ikaw mismo ang mag-iimbestiga sa background nina Richard at Nicomaine a.k.a. Alden at Maine. Kasi hinding hindi mo talaga lubusang maiintindihan ang AlDub at kung bakit sobrang laki nito. Simulan mo na ang pag research ng files ng dalawa na siguradong manlalaki ang mga mata ninyo dahil kalakip nito ang mga patunay ng Serendipity, The Rain of 7162015, Mt. Carmel, Significance of Number 5, Divine Intervention, Thin Line Between Reel and Real at iba pang mga detalye na ibabalato ko na sa inyo para kayo na mismo ang bahalang humusga.

Kung naniniwala kayo na may Makapangyarihang Diyos na hindi natin nakikita at naniniwala din kayo na maraming planeta hindi lamang ang daigdig, at malaki ang ating kalawakan at maraming iba pang nilalang ang nabubuhay sa ibang lugar na sobrang layo, sa dako pa roon, hindi isang kabaliwan ang paniwalaan na soulmates ang AlDub. Iba't ibang pangalan o lengwahe ang ginamit nila noong unang panahon. Maraming lifetimes na rin sila nabuhay. Sa kasalukuyang lifetime natin, ang dalawang kaluluwa na ito ay gumagamit ng pangalan na Richard Faulkerson Jr./Alden Richards/RJ/Tisoy at Nicomaine Dei Mendoza/Maine Mendoza/Menggay/Meng/Yaya Dub.

Pero kahit anupaman, ang dalawang ito - ang aktor na parang wala lang at ang malungkot na babaeng payaso, kahit saan sila dalhin at kahit ano'ng pangalan man gamitin nila sa susunod na lifetime, ang kanilang powerful psychic connection, bahala na kayong maglagay ng label, love, sarang, ai, amor o anuman, kayo na bahala, naniniwala ako na magtatagpo at magtatagpo pa rin sila upang lumabas ang kanilang tunay na anyo na isang magandang nilalang at maging magka-ibigan na punung puno ng pagmamahalan sa isa't isa. At ang kanilang kuwento ng pag-ibig ay di lamang bibihag sa ating mga puso kundi magbibigay din ito ng inspirasyon sa napakaraming nilalang sa buong kalawakan. Dahil ito ay naka tadhana at biyaya ng Maykapal.

At dahil ang kanilang pagtatagpo ay laging kakaiba at makakatawag ng pansin sa nakararami, magdudulot ito lagi ng kilig. At makikita natin na may mga mas mahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin sa buhay natin. Ang mababaw na kaligayahan ang napaka importanteng bagay sa mundo dahil libre ito. 

"The purpose of life is joy and for us to create happiness."


Kung sa mga sandaling ito ay lubusan mo nang nauunawaan kung ano talaga ang AlDub, dama ito ng iyong puso't isipan pati na rin lahat ng laman ng iyong katawan, alam mo na hindi binigay ng Diyos ang AlDub para makatulong sa ekonomiya ng mundo na nilikha lamang ng mga "Elite" upang patuloy nilang takutin ang lahat ng tao at linlangin. Ang ekonomiya ay walang kuwenta at gawa gawa ng mga World Bankers upang maniwala tayo na dapat maghirap tayo. Pero hindi yun totoo. Dahil sa AlDub, naibalik natin ang ating mga sarili sa direksyon na ang buhay ay dapat libre lang. Dapat maging maligaya lamang tayo at ang mga mababaw at simpleng bagay ay ang mga importanteng bagay sa ating buhay. At kapag masaya tayo, ang ating body cells ay kusang naghi heal at nagri rejuvenate.

Sabihin man nila na yumayaman sina Alden at Maine dahil sa mga tagahanga, kabilang na kami ng aking butihing ina na lahat ng endorsements nila ay binili na, hinding hindi kailanman mabibili ang saya na naidulot nila sa ating mga puso.

Kahit pa lahat ng yaman ni Bill Gates o ng mga tumatae rin naman na mga Royalties ng Europe o kahit ilang milyong dolyar pa, hinding hindi nila kailanman mabibili o mapapantayan ang naramdaman ng milyung milyong Pilipino sa mga sandaling tinalikuran natin ang mapanlinlang na mundo ng ekonomiya at tumutok sa kababawan at muling pagtatagpo nina Alden at Yaya Dub sa lifetime na ito.

Nagsisimula pa lang tayo.

Thursday, December 31, 2015

AlDub Law of Attraction by Julius Roden





Ask and it is given.

Television has long been the modern-day tool of the elite in transmitting fear to maintain control of the human behavior in this present civilization.

However, the continuous manifestation of unwanted circumstances in our environment, as orchestrated by greedy world leaders, brings out all sorts of negative emotions in each one of us. It becomes an indicator of clarity to the ones fed up with wrong information.

And so one day, the vast majority of Filipinos around the globe began to share the same level of boredom and frustrations. The perfect alignment of our innermost desires intertwined with AlDub.

AlDub, in the entertainment scene, may be the name fusion of semi-fictional young lovers: Alden - the crazy romantic handsome guy and Yaya Dub - the animatedly childish but pretty cute lipsynching nanny from the deglamorized soap opera parody skit 'Kalyeserye' on Eat Bulaga.

The skit's unique inception that happened on the 16th of July 2015, tickled noontime televiewers, had them glued, episode after episode that gradually unfolded the intense chemistry of mixed 'innocence and sensuality' between the two lead stars - drama actor Alden Richards and Philippine Dubsmash Queen turned actress Maine Mendoza.

Twitter trendsetters, well-organized fandoms, wildly obsessed followers, psychotic Filipino tabloid writers, charity groups, advocates and the clueless international media; all served as cooperative components that converted AlDub from just another hot topic on the internet to a global phenomenon.

But what set AlDub apart from showbiz, after it had completely wiped out all monotonously conceited celebrities; including overhyped manufactured loveteams of Philippine Entertainment, is the higher level of truth about the accidentally shipped onscreen couple.

Nothing is ever an accident. Everything happens for a reason.

If this larger than life event of the century does not puzzle your senses, then there is no need to question how AlDub rejuvenated and healed gazillions of human body cells. Otherwise, you will have to jump down the rabbit hole to experience this intergalactic love story of a match made in heaven.

Since it's a real time movie in multi-dimensional format, starting point would be doing a background check on the subjects Richard Faulkerson, Jr. and Nicomaine Dei Mendoza. As you go along with the files, it should include Serendipity, First Encounter on Split Screen, The Rain of 7162015, Mt. Carmel, Significance of Number 5, Thin Line Between Reel & Real and other details that will surely mesmerize every fiber of your being.

Whatever labels had been used or how many lifetimes had been lived in any way or form, the powerful psychic connection between the boring actor and the lonely female clown will always have them drawn together as a beautiful couple; not only to inspire and captivate the hearts of million, but also to let us see the grand design of the universe through the eyes of Source.

Source is God. AlDub is the sign of paradigm shift.

If you're connected to it, you understand AlDub is never intended to save the senseless illusion of world economy.

Things are about to change.


It begins.